PCG – target matapos sa loob ng isang linggo ang pagsipsip sa langis mula sa lumubog na tanker sa Limay, Bataan

Magde-deploy na ng mga oil dispersants at mga floating barriers ng Philippine Coast Guard (PCG) para ma-contain ang oil spill mula sa lumubog na MT Terra Nova sa Manila Bay sa bahagi ng Limay, Bataan.

Sa ngayon, nag-deploy na ang PCG ng tatlo nilang mga vessels para sa pagresponde sa oil spill.

Read More:  COMELEC warns of BSKE delays if Supreme Court issues TRO

Ang tatlong 44-meter multi-role response vessels (MRRVs) ang siyang titiyak na mami-mitigate ang epekto at impact ng pagtagas ng langis.

Mababaw pa ang paglubog ng barko sa 34 meters.

Target nilang matapos ang siphoning, ‘o ‘yung paghihigop sa loob lang ng pitong araw.

Read More:  Philippines emerges as one of Asia-Pacific’s rising tourism forces — WEF

Maaalalang na-rescue ang 16 mula a 17 crewmen nito; pero sa kasamaang palad, patay na nang marekober ang isa pa nilang kasamahan.

Muling sinabi ng PCG na walang Public Storm Warning Signal (PSWS) sa area nang maglayag ang MT Terra Nova.