LPA – sunod na Bagyong Dindo?

Nananatili pa ring mababa ang tiyansa na mag-develop bilang isang bagyo ang binabantayang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Kung maaalala kasi, ‘di pa man kasi tuluyang nakaa-ahon ang mga apektado ng Bagyong Carina at Habagat, mayroon na namang nagbabadyang sama ng panahon sa bansa.

Read More:  Daughter of JPE responds to Cayetano following “uncle” remark

Ayon sa PAGASA – sa susunod na 24 oras ay hindi pa nila ito nakikitang magiging bagyo.

Read More:  Yellow and red alert status in Luzon grid further Extended

Nitong alas-otso ng umaga ay huli itong namataan sa layong 980 kilometro, silangan ng Mindanao.

Sakali mang maging bagyo ito, ito na ang ika-apat na bagyo sa bansa, at tatawaging Bagyong #DindoPH.