6 na bayan sa Sorsogon, benepisyaryo ng Helen Keller International

SORSOGON CITY – Napiling benepisyaryo ng Helen Keller International (HKI) ang 6 na bayan sa Sorsogon sa ilulunsad nitong inisyatiba na pinamagatang: ‘’Advancing Evidence-based Policies and Interventions on Health and Nutrition at the Local Level: a research collaboration on the Assessment of Vit. A Status Among Schoolchildren Living in High-risk Areas of the Philippines.’’

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Casiguran, Juban, Sta. Magdalena, Gubat, Barcelona, at Bulusan.

Katuwang ng HKI ang Prov’l LGU, Prov’l Nutrition Council, DepEd-Sorsogon, Dept of Health, Phil National Poilce at Barangay LGUs. Ang sama-samang pagsisikap ay pinalakas pa sa pamamagitan ng isang ceremonial pledge signing.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Sa panayam ng Brigada News Sorsogon kay Prov’l Nutritionist Grace Jardin, sinabi nito na ang mga benepisyaryo ay pagkakalooban ng mga pagkain, micro-nutrients at maging mga supplements upang masustentuhan ang pangangailangan sa nutrisyon.

Ang nasabing inisyatiba ay nakatakdang magsimula sa Agosto 6, 2024 sa Sorsogon Provincial Gymnasium.