Chinese State Visit ni Marcos – tuloy!

Hindi kinansela ni Pangulong Bongbong Marcos ang nakatakda nitong State Visit sa People’s Republic of China sa January 3-5.

Ito ay kahit na nanawagan ang ilang mga health experts na i-reconsider ng Pangulo ang paglipad niya sa China lalo na’t nararanasan ngayon doon ang surge ng COVID-19 cases.

10-14 bilateral agreements, malalagdaan

Inaasahan namang malalagdaan ang nasa 10 hanggang 14 na mga bilateral deals.

Sa pre-departure briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Foreign Affairs Asec. for Asian and Pacific Affairs Nathaniel Imperial, inaasahang malalagdaan ang ilang kasundusan na may kinalaman sa pagpapalakas ng bilateral cooperation sa larangan ng agrikultura, renewable energy, imprastraktura, turismo, development, digital cooperation, at dagdag na pamumuhunan.

Kasama na rito ang 1.5-Billion renminbi na grant na magmumula sa China.

Aasahan naman ang pagre-renew ng committment ng Pilipinas para sa partisipasyon nito sa ‘Belt and Road Initiative’ ng China.

Sunud-sunod din ang meetings ni Marcos at ng kanyang delegation kabilang na ang pulong kasama sina Standing Committee of the National People’s Congress chairperson Li Zhanshu; Chinese Premiere Li Keqiang; at ang muling paghaharap ng Pangulo at ni Chinese President Xi Jinping.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ito na ang kanyang kauna-unahang foreign trip para sa taong 2023, at ang unang State Visit ni Marcos sa isang non-ASEAN member country.

Una nang nilinaw ng Department of Health (DOH) na prerogatibo na ng Pangulo kung tutuloy pa ito sa kanyang China State Visit sa gitna ng mga pangambang maging ‘super spreader’ ang delegasyon ng Pilipinas sa oras na bumalik na ito ng Pilipinas.

‘Direct communication’ sa mga usapin sa West Philippine Sea

Nakatakda nang lumagda sa isang kasunduan ang Pilipinas at China para maiwasan na ang mga ‘miscalculations’ at ‘miscommunications’ sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Imperial na magkakaroon na ng isang agreement para sa isang ‘direct communication’ sa pagitan ng dalawang mga bansa.

Ayon kay Imperial, lalagdaan ang kasunduan sa pagitan nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at sa counterpart nitong si Chinese Foreign Minister Wang Yi.

Sa ganitong paraan umano ay mapapanatili pa rin ang kapayapaan at maayos na dayalogo sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Babalangkasin ang kasunduan sa gitna ng mga napa-ulat na violations ng China kabilang na ang pagkukumpul-kumpol ng ilang Chinese Vessels sa Spratlys; Bloomberg report ng reclamation activities sa Iroquois Reef at Sabina Shoal; pati na rin ang ‘unsafe encounter’ nang sapilitan ‘di umanong i-retrieve ng China ang kanilang rocket debris sa West Philippine Sea.
#

Ligtas ang PH delegation

Tinitiyak umano ng China na ligtas si Marcos at ang miyembro ng delegasyon ng Pilipinas sa kanilang State Visit.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Nathaniel Imperial na naka- ‘bubble arrangement’ ang Philippine delegation sa kanilang China trip para maiwasan ang exposure sa COVID-19.

Kaugnay nito, sa oras naman aniya na magkaroon ng magpo-positibo sa COVID-19 sa miyembro ng delegasyon, sinabi ni Imperial na kailangan nitong mag-isolate at hindi pupwedeng sumama sa mga pupuntahan ni Pangulong Marcos.

Kailangan naman aniyang mag-negatibo muna sa COVID-19 test bago ito payagang makabalik sa Pilipinas.

Samantala, tiniyak naman ng DFA na mayroong itatalagang special facility para sa isolation.

Kinumpirma rin ni Imperial na hindi makikipagkita si Pangulong Marcos sa Filipino community sa China dahil sa restritions sa mga mass gathering.

#