DOH: Travel restrictions sa Chinese travelers – ‘di pa ipapataw

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na hindi pa napapanahon para isara ang border ng bansa mula sa mga inbound travelers na magmumula sa China.

Ito ay sa gitna ng nararanasang COVID-19 case surge sa China sa ngayon.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Sa Media Forum, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi pa nila ire-rekumenda ang pagpapataw ng mas mahigpit na travel restrictions sa mga Chinese travelers.

Ito ay kahit na ipinare-rekumenda na ng Transportation officials na muling ibalik COVID-19 testing sa mga papasok ng Pilipinas mula sa China.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

READ MORE:

Ayon sa health official – mas handa na ngayon ang Pilipinas na malabanan ang muling paglobo ng mga infections lalo na’t mas mataas na ang vaccination rate ng mga Pilipino.

Samantala, kinumpirma rin ni Vergeire na na-decouple na ang alert level systems ng bansa.