Naglabas ng abiso ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa posibleng pagbagsak ng debris mula sa Long March 3B rocket man nakatakdang i-launch ngayong araw, December 29, 2022 sa pagitan ng 12:33 PM hanggang 01:10 PM Philippine time.
Nagmula umano ito sa Xichang Satellite Launch Center in Xichang, Sichuan Province, China.
Base sa notice ng Civil Aviation Administration of China (CAAC) sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), inaasahan na ang “unburned debris” ay inaasahang babagsak sa bisinidad ng Recto bank, approximately 137 kilometers mula sa Ayungin Shoal at sa 200 kilometers ng Quezon, Palawan.
Samantala, kapag bumagsak ang nabanggit na debris ay magdudulot ng panganib sa barko, aircraft, bangkang pangisda at iba pang mga sasakyan na mapapadaan sa “drop zone”.
May posibilidad din umanong magbago lugar na pagbabagsakan nito dahil sa Earth’s rotation, weather, at climate conditions.