PBBM, sinabing utos niya ang panawagang pagbibitiw sa mga pulis na umano’y dawit sa bentahan ng iligal na droga sa bansa

Direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panawagan ni Interior Secretary Benhur Abalos ng courtesy resignation sa lahat ng general at colonel sa Philippine National Police.

Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na kampanya pa lamang ay nakalatag na ang naturang hakbang bilang magiging pamamaraan ng kanyang administrasyon laban sa iligal na droga.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Aniya, may ginagawa na ngayong paglilinis o cleansing sa hanay ng PNP at titiyakin nilang makakasuhan ang mga sangkot na opisyal sa illegal drugs.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Una nang sinabi ni Abalos na ang pagbibitiw ng mga ito sa puwesto ay makatutulong sa panunumbalik ng tiwala ng publiko sa anti-drug campaign ng pamahalaan.//CA