Hontiveros, ikinatuwa ang desisyon ng OP na i-clear ang dating mga DA officials

Winelcome ni Senador Risa Hontiveros ang naging desisyon ng Office of the President (OP) na i-clear sina former Department of Agriculture (DA) secretary at ang tatlong iba pang board members ng Sugar Regulatory Administration (SRA) kaugnay sa kontrobersyal na pag-issue ng Sugar Order. No. 4.

Sa counter report na isinumite ng Senate Minority Bloc, sinabi ni Hontiveros na naniniwala sila Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na ang akusasyon laban kina former Agriculture undersecretary Leocadio S. Sebastian, former SRA board members Hermenigildo Serafica, Rolan Beltran at Aurelio Gerardo Valderrama Jr. ay ‘baseless’ at hindi makatarungan.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Giit ng mambabatas, ginagawa lang ng naturang mga opisyal ang kanilang trabaho bilang public servants.

Sa kabila nito, binigyang-diin ng senador na dahil na-clear na ang mga dating opisyal sa issue, ang sunod na mahalagang tanong ay kung ang mga polisiya at rekomendasyon ba nila ay didinggin upang mapalago ang sugar reserves ng bansa.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Paliwanag ni Hontiveros, sa huli, mahalaga pa ring tugunan ang mataas na presyo ng asukal, at pangalagaan ang interest ng mga konsyumer.

Ang Sugar Order No. 4 ay magbibigay-daan sa pag-i-import ng 300,000 metric tons na asukal para sa bansa.