PBBM nakipagpulong sa mga food manufacturers, presyo at suplay ng pagkain tinalakay

Tinalakay ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga top food manufacturers sa bansa, ang suplay ng asukal at presyo ng mga pagkain.

Sa kanyang Facebook post sa Office of the President, ibinahagi ni Marcos sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufacturers ang mga paraan para sa nakaambang pagkaubos sa suplay ng asukal.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Ayon sa opisina ng pangulo, nangako umano ito na magkakaroon ng sistema para ma-manage ang tumataas na presyo para magpatuloy ang takbo ng mga negosyo at matiyak ang job security.

Una nito, ibinasura ng punong ehekutibo na siyang nakaupo bilang kalihim ng Department of Agriculture, ang kautusan ng Sugar Regulatory Board na umangkat ng 300,000 metric tons ng asukal, na nagresulta sa pagbibitiw sa pwesto ng ilang mga opisyal.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Pero nitong weekend, sinabi ni Marcos na maaring kailanganin ng bansa ang pag-import ng naturang produkto sa Oktubre, pero hindi ganoon kalaki sa ipinanukala ng regulatory board.