Milyong halaga na pagpapatayo ng mga ospital sa ilang mga bayan sa Albay, kinikwestyon ng Gobernador

LEGAZPI CITY – Prayoridad ng Provincial Government ng Albay na tutukan muna ang mga dating pinapatayong mga ospital na hindi pa natatapos magmula nang nagdaang administrasyon hanggang sa ngayon.

Ito ang inihayag ni Albay Gov. Noel Rosal sa ginawang press briefing ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay Rosal, kinikwestyon nito ang mga pinapatayong ospital na milyong halaga sa ilang mga bayan o syudad ng nasabing lalawigan, dahil mayroon umano itong anomalya pagdating sa konstruksyon.

Read More:  Speed limit law set for activation in General Santos City

Aniya, sobra-sobra ang pondo na inilaan sa mga ospital noong nagdaang administrasyon, kung saan umabot ito sa humigit-kumulang sa P300M hanggang P700M.

Sa ngayon, wala pa umanong ibinibigay na dokumento ang mga ospital na kino-construct sa ilang mga bayan o lungsod.

Read More:  Yellow and red alerts raised over Luzon grid

Hindi rin masabi ng gobernador kung ang pondo na inilaan sa mga ospital ay ubos na o may natitira pang pondo para sa construction ng ospital.

Tiniyak naman ng nasabing pamahalaan na kailangang malaman ng mga Albayano kung ano ang tunay na nangyayari sa pagpapatayo ng mga ospital sa lalawigan.