Kumpyansa si Pangulong Bongbong Marcos na matutuldukan ang insurhensiya sa bansa sa panahon ng kanyang termino.
Sa ambush interview sa Tacloban city, sinabi ng Pangulo na may nakikita na syang progreso, hindi anya tulad noon na masyadong magulo.
Bagaman may ilan pang nangyayaring encounter sa pagitan ng gobyerno at makakaliwang grupo, hindi na raw ito kasing dami tulad ng dati.
Unti-unti na rin daw nababaklas ng pamahalaan ang organisasyon ng mga rebelde.
Kaya tiwala silang matatapos ang kaguluhang ito sa schedule na itinakda ng pamahalaan.