OPAPRU, nagpasalamat sa DBM para sa P4B pondo sa PAMANA projects

Pinasalamatan ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang Department of Budget and Management (DBM) para sa pagre-release nito ng P4B pondo para sa “Payapa at Masaganang Pamayanan” (PAMANA) Program.

Ayon kay Galvez, ang naturang halaga ay makatutulong upang magkaroon ng mga imprastraktura at proyektong pangkabuhayan ang Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa mga lugar na apektado ng kaguluhan.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Layunin din aniya kasi ng “Pamana” Program na makagawa ng lugar na may pangmatagalang kapayapaan.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Maliban sa DBM, pinasalamatan din ni Galvez ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa paglalaan din ng pondng susuporta sa mga proyekto ng “Pamana.”