Ban sa onion importation – pinalawig ng DA

Ie-extend pa ng Department of Agriculture (DA) ang umiiral na importation ban sa sibuyas, sa harap ng umano’y stable na suplay nito sa bansa.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., puno na ang mga cold storages ng mga onion producing areas.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Mababa rin aniya ang presyo ng naturang agri-product, at nasa maayos na price range din ito batay sa kanyang monitoring sa ilang mga pamilihan.

Una nang inasahan ng DA na aabot sa 89,384.99 metric tons ang harvest output mula Abril hanggang Hunyo – mas mataas kumpara sa naitalang 84,903.99MT noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Tiniyal ni Laurel na ire-reactivate lang nila ang importasyon ng sibuyas sakaling kailanganin ito, at kapag sumirit na naman ang presyo nito.

Mababatid na pansamantalang ipinahinto ng kalihim ang pag-aangkat ng sibuyas hanggang ngayong buwan ng Mayo.