PBBM Jr., isa nang ‘’adopted son’’ ng Sorsogon

SORSOGON CITY – Nagpasa ng Resolution ang 11th Provincial Board ng Sangguniang Panlalawigan na nagdedeklara kay President Ferdinand Marcos Jr. bilang adopted son ng lalawigan.

Paraan umano ito ng pagpapahayag ng walang hanggang pasasalamat sa lahat ng ginawa ng Presidente para sa lalawigan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Matatandaan na noong Hulyo 2, ang mga benepisyaryo ng presidential assistance to all Farmers, Fisherfolks and their Families ay nakatanggap ng cash assistance na P10K at sinundan ito ng pagbisita ni First Lady Marie Louise Araneta-Marcos, na naghatid ng ‘’Lab for All’’ Caravan noong Hulyo 18.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang lalawigan ay nakatanggap ng isang Mobile Clinic at medical support sa mga Sorsoganon habang ang ilang ahensiya ng gobyerno ay nagbigay ng  komprehensibong tulong sa komunidad.