Iba’t ibang ahensya ng gobyerno pinakilos ni Pang. Marcos sa oil spill sa Bataan

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na magtulungan para i-assess ang epekto ng oil spill matapos ang paglubog ng isang oil tanker sa Bataan.

Partikular na inatasan ng pangulo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST), at ang Philippine Coast Guard (PCG) na pangunahan ang assessment.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Partikular na pinatukoy ng pangulo ang eksaktong lokasyon ng lumubog na tanker.

Pinatutukoy din ng pangulo sa mga environmental expert ang mga baybaying apektado ng oil spill at ipinahahanda na ang tulong sa mga maaapektuhan.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Lulan ng MT Terra Nova ang nasa 1,494 metric tons ng industrial fuel oil ng lumubog ito sa Lamao, na coastal barangay ng Limay, Bataan.

Nailigtas ang 16 na crew nito habang nasawi naman ang isa.