PBBM, inatasan si DepEd Sec. Angara na tutukan ang history teaching at global rankings ng bansa

Naglabas na ng marching order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Senador Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).

Hinihiling ng Presidente kay Angara na tumulong na mapabuti ang performance ng bansa sa Program for International Student Assessment (PISA) at baguhin ang diskarte sa pagtuturo ng history sa mga estudyante.

Read More:  Bong Go urges youth to spend more time in sports, less on social media

Sa kanyang pamumuno, tiniyak ng bagong kalihim na tututukan niya ang pagbubukas ng school year at nakikipag-coordinate na rin siya sa kanyang hinalinhan na si Vice President Sara Duterte.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Isa si Angara sa mga mambabatas na nasa likod ng enhanced basic education o K-12 program, na kasalukuyang sinusuri ng DepEd.