Ibinida ng Department of Health o DOH CALABARZON sa Kapihan sab AGONG Pilipinas ang mga naipatayong pasilidad sa buong rehiyon sa nakalipas na dalawang taon.
Sa presentasyon ni Assistant Regional Director Leda Hernandez, binanggit nito na simula noong June 2022 hanggang June 2024, nasa walumpo’t isa nang super health center ang naipatayo.
Bukod dito, labing pito ang mga bagong public hospitals, apat na DOH Regional hospital at dalawang treatment and rehabilitation center.
Bukod dito, kasama rin sa kanilang naipamahagi ang animnapu’t walong land ambulances at isang sea ambulance.
Pagdating naman sa programa laban sa dengue, umabot sa 1,034 na mga public schools sa rehiyon ang nalagyan nila ng dengue insecticide treated nets.
Para naman sa iba’t-iba nilang medical assistance, nasa 590,325 na mga pasyente ang kanilang naserbisyuhan kabilang ang 3,204 na pasyente sa Diagnostics On-The-Go Program; 3,289 patients sa Lab for All Service Caravan; at 1,415 na mga pasyente sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.