Nagpa-abot ng buong pagsuporta si Pangulong Bongbong Marcos sa anim na Pinoy Paralympians na sumasabak ngayon sa Paris Paralympics Game.
Sa mensahe ni Pangulong Marcos, hinimok nito sina Allain Keanu Ganapin, Angel Mae Otom, Agustina Maximo Bantiloc, Cendy Asusano, Ernie Gawilan, at Jerrold Pete Mangliwan na ipakita ang lakas at galing ng Pinoy sa buong mundo.
Ani Marcos, sa pagrepresenta pa lang nila sa Pilipinas sa naturang palakasan ay maituturing na silang kampeon.
Kinilala rin ng Pangulo ang ipinakita nilang commitment sa kanilang training sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap.
Bagay na nagpapakita ng diwa ng pagiging isang Pilipino.
Binigyang-diin din ng Presidente na walang papuri at parangal na makatutumbas sa hatid nilang karangalan sa bansa
Kaya ipinaalala sa kanila ni Pangulong Marcos na nasa likod nila ang lahat ng mga Pilipino at buong Pilipinas.