Flood management infrastructure na kayang tumagal ng isang siglo, pinaplano ng DPWH

Ikinokonsidera na ng Department of Public Works and Highways ang epekto ng climate change sa pagbuo ng bagong flood management plans.

Sa budget briefing ng DPWH sa Kamara, sinabi ni Secretary Manuel Bonoan na plano nilang magpatupad ng mas mahabang timeframe dahil sa maaaring maging epekto ng climate change sa structural integrity ng mga proyekto.

Read More:  DILG prepares 10K force for possible Bato arrest

Target aniya ng ahensya na magtayo ng flood management infrastructure na tatagal ng hanggang isang siglo.

Ipinaliwanag ni Bonoan na noon ay nakadisenyo ang flood control infrastructure gamit ang 30-year return period ngunit dahil sa climate change ay babaguhin nila ang parameters.

Dagdag pa nito, hindi kakayanin ng gobyerno na magpatupad ng nationwide flood control masterplan dahil magkakaiba ang hakbang ng bawat river basin sa pagkontrol ng pagbaha.

Read More:  Lawyers of EJK Victims hope change in Duterte’s legal team will not delay ICC proceedings

298 billion pesos ang panukalang budget ng DPWH sa flood control projects para sa susunod na taon na mas mataas ng 22 percent.

Iginiit ng kalihim na mahigit limanlibong flood mitigation projects ang ipatutupad ng DPWH ngayong taon.