BNFM Bicol-NARESOLBA ng Philippine National Police o PNP Bicol ang 81.83% ng krimen sa iba’t ibang bahagi ng Bicol Region simula Enero hanggang ngayong buwan ng Agosto ng kasalukuyang taon.
Sa inilabas na datos ng PNP, 12,727 ang naitalang krimen gaya ng ilegal an droga, ilegal na mga armas, ilegal na pangingisda, ilegal na pagsusugal, at iba pa.
Kasabay rito ang pagkakaaresto ng mga suspek na umabot sa 945 para sa ilegal na droga sa 912 operasyon nito, 190 naman ang mga nadakip dahil sa mga ilegal na mga armas sa loob ng 734 operasyon, at sa ilegal na pagsusugal naman nahuli ang aabot sa 483 na operasyon ang nasa 1,327 na mga suspek.
Samantala, aabot naman sa 22 na mga gang member ang nasakote ng mga awtoridad sa iba’t ibang panig ng rehiyon.
Dahil dito patuloy ang isinasagawang mga programa at aktibidad ng PNP Bicol para sa layunin nitong magkaroon ng isang matiwasay at mapayapang lipunan. ### KENNETH BERMIL