PBBM, handang tumulong sa Japan kasunod ng lindol

Nagpahayag ng suporta si Pangulong Bongbong sa bansang Japan matapos silang tamaan ng magnitude 7.6 na lindol.

Sa inilabas na mensahe ng Pangulo, sinabi nitong mahigpit ang kanilang pakikipag ugnayan sa Japan government para matiyak din ang kaligtasan ng ating mga kababayan.

Read More:  Marcoleta says threats to Guteza’s life and family may have driven his recantation

Sa ulat ng embahada ng Pilipinas sa Japan, walang Pinoy na nasaktan o namatay sa naganap na lindol.

Handa naman anya ang Pilipinas na magpa-abot ng kahit anong tulong sa naturang bansa.

Sa datos ng Department of Migrant Workers o DMW, nasa 1, 194 ang mga Pilipinong naninirahan sa dalawang prefecture na apektado ng lindol, 469 sa Ishikawa at 725 sa Toyama.

Read More:  Torre defends Marikina River payloader operation

90 percent ng mga Filipino workers sa nabaggit na lugar ay nasa manufacturing, welding at carpentry sectors, habang 10 percent naman ay mga caregivers.