‘Blu card’ ng mga nakatira sa 10 EMBO barangays, wala na ring bisa

Malungkot na ibinalita ng lungsod ng Makati na magmula ngayong taon ay hindi na rin maaring gamitin ng mga residenteng nakatira sa EMBO barangay ang kanilang blu card.

Ito ay matapos ang naging desisyon ng Korte Suprema sa naging land dispute sa pagitan ng Makati at Taguig.

Read More:  Sara Duterte defense team says it is ready for impeachment trial

Kaugnay nito, hindi na makatatanggap ng cash incentives na pumapalo mula P3,000 hanggang P5,000 ang mga senior citizens na Blu Card holders sa mga EMBO barangays.

Sa kabila nito, binigyang-linaw ng awtoridad na maari pa rin namang gamitin ng mga senior citizens ang kanilang Makatizen card bilang isang valid ID at debit card.

Read More:  Defense says VP Sara not involved in petition against Escudero

Maalala, una ng inanusyo ng lokal na pamahalaan ng Makati na wala nang bisa ang yellow card ng mga ito.