Patch ng Bandila ng Pilipinas, bahagi na ng battle dress uniform ng AFP

Sa pagpapalakas ng pagmamahal sa bayan at pagkakaisa, magiging bahagi na ng AFP-wide battle dress uniform ang patch ng Bandila ng Pilipinas.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., layon ng hakbang na ito na ipakita ang “patriotism” at ” solidarity “bilang malinaw na paalala ng pangako ng AFP na itaguyod ang soberenya at territorial integrity ng Pilipinas.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ito rin ay para i-align sa pagsisikap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaguyod ang national pride at pagkakaisa sa mga Pilipino.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ang hakbang na ito ay isang pagpapakita rin ng determinasyon ng AFP na magbigay ng malinaw na representasyon sa pagtupad ng kanilang misyon nang may karangalan at integridad.