Joint 2nd regular quarterly meeting ng mga Youth Leaders ng Isabela, isinagawa

Nagtipon-tipon kahapon, ika-apat ng Hulyo ang iba’t ibang mga youth leaders at youth development workers ng Isabela para sa Joint 2nd Regular Quarterly Meeting.

Iba’t ibang mga mahahalagang usapin ang tinalakay sa nabanggit na pagpupulong kabilang na rito ang Republic Act 11313 o ang Safe Spaces Act of 2019.

Napag-usapan din sa quarterly meeting ang mga aktibidad na isasagawa para sa 2024 Buwan ng Kabataan at International Youth Day celebrations sa buwan ng Agosto.

Kaugnay nito, pinangunahan naman ni Sangguniang Kabataan Provincial Federation President Catherine Joy L. Legaspi ang pagpupulong kasama ang mga Sangguniang Kabataan Federation Presidents (SKFPs) ng lalawigan, Isabela League of Local Youth Development Officers (ILLYDO), at mga kasapi ng Council NAGKAISA-Provincial Youth Development Council (PYDC) at Youth Organization Registration Program (YORP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *