Sumampa na sa 33 ang bilang ng patay habang 8 ang missing sa nangyaring malawakang pagbaha sa Central China na naging dahilan din pagkaka-trapped ng ilang pasahero sa mga subway, pag-apaw ng mga dam at ilog at landslides.
Kaugnay nito ay patuloy ang search and rescue operation ng mga otoridad sa mga na-trapped na pasahero sa subway cars at iba pa

Ayon sa report, noong nakaraang linggo pa binabayo ng malakas na ulan ang Henan province na mayroong populasyon na aabot sa 99 million na dahilan ng paglikas ng daan-daang libong residente habang tinatayang nasa 190 million dollars ang economic damage.
Kasama din sa pinakamatinding naapektuhan ang provincial capital na Zhengzhou kung saan 12 ang naitalang patay matapos ma-trapped ang mga pasahero sa binahang subway line.
Sa kalapit naman na Gongyi ay naitala ang 4 na patay dahil sa pagbaha na nagdulot ng pagkasira ng ilang bahay at landslides na naging dahilan ng pahirapang rescue operations.
Nagmistula namang isolated ang nasa 470,000 na tao sa Xinxiang City matapos umapaw ang mga ilog at pitong reservoirs.