Inihayag ng Department of Energy na magiging posible ang joint exploration sa West Philippine Sea kung magiging compliant ito sa 60-40 ownership rule sa ilalim ng Konstitusyon.
Sinabi ni DOE Undersecretary Felix William Fuentebella sa isang virtual presser bago ang State of the Nation Address, na nag-uusap pa rin ang mga gobyerno ng Pilipinas at China para sa posibleng joint exploration sa West Philippine Sea.

Ipinunto ng opisyal na bagamat patuloy na nakikipagnegosasyon ang gobyerno ng Pilipinas sa China, ay limitado lamang ang mga pwedeng gawin ng ating bansa base sa mga probisyon ng Saligang Batas.
Sa ilalim ng 1987 Constitution ay limitado lamang ang foreign ownership ng mga lupa at negosyo sa bansa sa 40% habang ang 60% naman ay dapat eksklusibong pag-aari ng mga mamayang Pilipino o korporasyon.
Inihayag ni Fuentebella na dapat ay ma-apply ang naturang probisyon sa joint exploration project.