Ilang araw matapos tumama ang 7.2 magnitude na lindol, umaapaw pa rin sa mga pasyente ang mga ospital sa Haiti.
Sa huling report ng mga otoridad, nasa 1,941 na ang bilang ng mga naitalang patay habang halos sampung libo ang mga kumpirmadong nasugatan.

Sa isang ospital sa Jeremie city na isa sa pinakamatinding naapektuhan, mayroon pang 84 na mga pasyente ang naghihintay na malapatan ng lunas.
Ayon sa report, punuan na ang mga hospital beds habang ang ibang mga injured ay nakahiga na sa sahig ng pagamutan.
Aminado ang mga otoridad na inaasahan din nilang tataas pa ang bilang ng mga nasawi at bilang ng sugatan lalo na at naaantala ang search and rescue operation dahil sa kakulangan ng resources at malakas na ulan na nagdulot ng mudslides na nakaharap sa mga kalsada.
Base sa tala, tinatayang nasa 75,000 na mga bahay ang na-damage o totally damage dahil sa lindol kung saan nasa 135,000 na mga pamilya ang naapektuhan.