‘Mobility restrictions, ikukunsidera pag naabot na ag 50% vaccinations sa NCR’

Ikukunsidera lamang umano ang paglilimita sa paggalaw ng mga di pa nababakunahan pag 50 percent na ng populasyon sa Metro Manila ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ito ang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang briefing kasunod ng mungkahi ni presidential adviser on entrepreneurship Joey Concepcion na mga fully vaccinated individuals lamang ang payagang pumasok sa mga establisyemento pati na sa pampublikong transportasyon kasabay ng paggiit sa epekto ng mas matagal na lockdowns.

Read More:  PDEA links Ex-BARMM member Sultan Edrieza Rimbang to Laos drug bust

Sa parehong briefing, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon na nasa 41 percent ng eligible population sa NCR ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Sa ngayon, 3.2 milyong bakuna na ang naiturok sa Metro Manila ngayong buwan o 178,000 jabs kada araw.

Dahil dito, kumpiyansa umano si Dizon na maaabot ang target inosulation rate na 50 percent sa August 31.

Sinabi ni Roque na nakatakdang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang susunod na quarantine classification ng Metro Manila.