Patalastas na nagsusulong ng charter change, tukoy na ang nasa likod nito

Tukoy na ang nasa likod ng isang paid advertisement na nagsusulong sa umanoy naging hakbang ng pagpapalakas ng edukasyon, agrikultura at ekonomiya gamit ang pwersa ng 1987 constitution.

Ang Gana Atienza Avisado Law Offices ang nagpalabas ng full charter change advertisement.

Ayon kay Atty. Alex Avisado, layunin ng nasabing advertisement na ibukas sa publiko ang usaping people’s initiative sa pag-amyenda sa constitution.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Taong 1987 ng pumutok ang pangalan ng grupong PIRMA ng tangkain nilang baguhin ang saligang batas ngunit na bigo silang gawing parlamentaryo ang kasalukuyang presidential form of government.

Tinanong naman ni Bayan muna Atty. Neri Colmenares kung sino ang nagpondo ng nasalikod ng advertisement dahil hindi naman aniya pwedeng gamitin ang public funds para sa private purpose katulad ng people’s initiative.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Depensa naman ni Avison na private initiative ang naturang patalastas at tiniyak din nila na hindi sila kasali sa P100 people’s initiative.

Pinuna at tinawag ni dating Senate President Vicente Soto III na sinungaling at hindi nagsasabi ng tama ang naturang patalastas.

Para naman kay Albay 1st district Rep. Edcel Lagma, malabnaw ang mensahe ng pro cha-cha advertisement.