Teenage pregnancy awareness seminar ilalarga sa bayan ng Basud sa Biyernes

CAMARINES NORTE – Ilalarga na bukas, Enero 12 ang Seminar on Teenage Pregnancy awareness and values enhancement for youth sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Noon pang nakaraang taon ginawa ang plano para sa naturang aktibidad  na layong matugunan ang problema sa teenage pregnancy.

Gagawin ito sa Municipal Sports Complex sa ganap na ala una ng hapon.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Tinatayang nasa mahigit kumulang 270 mga kabataan na estudyante sa senior high school na nanggaling sa iba’t- ibang eskwelahan sa naturang bayan ang lalahok.

Ang aktibidad ay jopint project ng Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development (MAGPTD) at Basud Municipal Police Station.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) bumaba sa 5.4 percent noong 2022 ang mga kaso ng teenage pregnancy kumpara sa 8. 6 % noong 2017.

Kabilang ang Bicol Region sa may pinakamababang percentage ng teenage pregnancy sa bansa noong nabanggit na panahon. Ang ulat na ito ng PSA ay inilabas Enero 2023.