Pastoral letter na ipinalabas ng CBCP kaugnay sa Halalan 2022 hindi pangdidikta, desisyon nasa botante pa rin- Bishop Alarcon

CAMARINES NORTE- Nilinaw ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon na walang layunin ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na magdikta sa mga katolikong botante kung sino ang kanilang iboboto sa darating na eleksyon.

Ayon kay Alarcon na siya ring Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Youth, ang botante pa rin ang magdedesisyon kung sino ang nais nilang iboto at nagtitiwala naman umano silang mga lider ng simbahan na makikita ng mga botante ang katotohanan, ang tama at mabuti.

Aniya may kakayahan naman ang bawat isa na magsipat ng katotohanan at mabuti.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Gayunman nagbabala si Alarcon sa mga botante na mag ingat sa mga nababasa at nakikita sa social media lalo na umano sa mga dinoktor na video at impormasyon.

Wala rin umanong pinapanigan ang simbahan kundi nais lamang nito na maglahad ng katotohanan upang makapag desisyon ng tama pahdating ng eleksyon.

Sinabi ito ng Obispo sa kaniyang homily kahapon kung saan binasa ang Pastoral Letter na pirmado ni CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa nasabing liham pastoral ay nagpahayag ng pagkabahala ang mga lider ng simbahan hinggil sa anila’y pagbaluktot ng kasaysayan at tila pagbura sa ating alaala sa pamamagitan daw ng paghahasik ng mga maling kwento at kasinungalingan.

Ayon sa mga Obispo, mapanganib ito dahil ito ay paglason sa kamalayan ng bawat isa at pagwasak sa pundasyong moral ng mga institusyon.

Hinimok din ng mga lider ng simbahang katolika ang mga botante na manindigan sa katotohanan at magsuri dahil ang isang eleksyon umano o anumang proseso na hindi makatotohanan ay panlilinlang at hindi mapagkakatiwalaan.