Lalaki timbog sa buy bust operation sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Timbog ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis dakong alas 7: 40 Sabado ng gabi sa Purok 2, Brgy. III, Mercedes, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas “Sendong” 49 anyos may kinakasama, at residente sa naturang lugar.

Nakuha sa pag iingat ng suspek ang isang maliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu  na siyang buy bust drug.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Bukod dito nakuha rin sa suspek ang apat na piraso ng maliliit na selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Ang mga nasamsam na iligal na droga ay tinatayang umaabot sa humigit kumulang 2,500.00 pesos ang halaga at may timbang na humigit kumulang 1.3 gramo.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Mahaharap ang suspek sa  kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 na nasa kustodiya ngayon ng Mercedes Municipal Police Station.

Sa isang pahayag binigyang diin ni CNPPO Provincial Director PCol Julius Guadamor na hindi titigil ang kapulisan sa paghuli sa mga taong nasa likod ng mga iligal na gawain lalo na ang droga na sumisira aniya sa kinabukasan lalo na ng mga kabataan.