CAMARINES NORTE- Maaari nang muling pumalaot o maglayag ang mga mangingisdang may maliliit na bangka matapos ang isang linggong pagkakatengga ng kanilang hanapbuhay.
Kahapon ay inalis na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa ang nakabanderang gale warning sa karagatang sakop ng lalawigan ng Camarines Norte na tumagal ng isang linggo.
Batay sa inilabas na Sea Travel Advisory ng Camarines Norte Coast Guard Station, simula kahapon ng umaga ay wala nang nakabanderang gale warning dahil sa pag improve ng weather at sea condition.
Gayunman patuloy pa rin ang paalala ng PCG sa mga mangingisda na mag ingat.
Nakalagay sa advisory na ang lahat ng mga sasakyang pandagat ay pinapayuhan na mag ingat at palaging maging mapagmatyag sal agay ng panahon.
Umaasa ang mga mangingisda na magtutuloy- tuloy na ang pagbuti ng lagay ng panahon lalo’t papalapit na rin ang panahon ng tag init.
