Pastor Apollo Quiboloy, nahaharap sa sex trafficking rap sa US

Sinampahan ng kasong sex trafficking ng ilang US prosecutors ang founder ng Kingdom of Jesus Christ church na si Pastor Apollo Carreon Quiboloy.

Base sa impormasyon, sa 74 na pahina ng tinatawag na indictment charges, sinabi ng mga federal prosecutors sa Los Angeles na ang kasong ito ay may kaugnayan pa rin sa kasong isinampa sa tatlong church administrator’s ng Kingdom of Jesus Christ na nakabase sa Amerika.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Kaugnay naman ito sa mga pinekeng visa para makapunta sa Amerika ang mga miyembro ng naturang simbahan at pilitin sila na magsolicit o manghingi ng donasyon para sa pekeng children’s charity ng Kingdom of Jesus Christ.

Batay sa reklamo, pinararatangan si Pastor Quiboloy at dalawang iba pa na nagrerecruit umano ng mga bat ana may edad 12 hanggang 25 taong gulang para maging personal assistant o tinatawag nilang “pastorals”.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Nakasaad sa reklamo na ang mga pastoral ay inoobliga umano na ihanda ang pagkain ni Quiboloy, linisin ang kanyang mga tahanan, masahihin sya at makipagtalik para sa tinatawag nilang night duty. //MHEL PACIA-TRINIDAD