Binata, natagpuan na nakabigti

SORSOGON CITY – Natagpuang wala nang buhay ang isang binata na hinihinalang nagpakamatay matapos makitang nakabitin ang katawan nito sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Madan-an, Brgy Bibincahan, Sorsogon City.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Pulisya na walang foul play at nagpatiwakal ang 24-anyos na binata.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa salaysay ni alias John, kapatid ng biktima, laking gulat niya nang makita ang kanyang kuya na nakabigti sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Hindi rin malaman ng pamilya ang problema o dahilan ng pagpapatiwakal ng binata.

Ang mga labi ng biktima ay dinala sa punerarya para isailalim sa awtopsiya.