Pasig River Ferry – walang biyahe sa April 9 at 10

Walang biyahe ang Pasig River Ferry Service sa April 9 at 10 na idineklarang Regular Holiday.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bibigyang-daan ang pagdiriwang sa Araw ng Kagitingan at ang paggunita sa pagtatapos ng Ramadan.

Sa April 11, balik-normal na ang operasyon ng ferry na bumabiyahe mula Pinagbuhatan Pasig City, hanggang sa Escolta sa Maynila.

Samantala, suspendido naman ang number coding scheme sa April 9 at 10.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *