China, nagsagawa ng military drills kasabay ang US, Japan, at Ph

Nagsagawa ang China ng military “combat patrols” sa pinagtatalunang South China Sea, kasabay ng joint drills ng Pilipinas, United States, Japan at Australia.

Dumating ang anunsyo ng People’s Liberation Army (PLA) Southern Theater Command isang araw matapos nagsabi ang mga defense chiefs ng apat na bansa na magsasagawa sila ng joint drills sa nasabing lugar.

Naganap ito ilang araw lang bago idaos ni US President Joe Biden ang unang trilateral summit kasama ang mga pinuno ng Pilipinas at Japan.

Nabatid na pinapanigan ng Amerika ang Pilipinas sa usaping teritoryo sa South China Sea at pinangakuan pa ng “ironclad” commitment na makikipagtulungan ito sa bansa na ipagtanggol ang soberanya laban sa anumang pag-atake ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *