Tricycle, pedicab, at e-vehicles – pinayagang tumawid sa national road sa NCR

Papayagan pa rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tumawid sa mga pangunahing lansangan sa National Capital Region (NCR) ang mga tricycle, kariton, pedicab, e-bike, e-trike at iba pang light electric vehicles mula sa April 15.

Ayon kay MMDA General Manager Procopio Lipana, kahit bawal na silang dumaan sa mga tinukoy na pangunahing kalsada ay puwede naman silang tumawid o mag u-turn dito.

Batay sa MMDA regulation No. 24-002 series of 2024, hindi na maaaring dumaan ang mga nabanggit na sasakyan sa Recto Avenue, President Quirino Avenue, Araneta Avenue, EDSA, South East Metro Manila Expressway, Roxas Boulevard, at iba pang pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Samantala, nilinaw naman ng ahensya na puwedeng dumaan sa bike lane ang mga electric bike na pedal assist na hindi lalampas sa 50 kilo ang bigat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *