Pasaway na mga driver inisyuhan ng ticket sa ginawang Oplan Sita ng HPG

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 43 driver ang inisyuhan ng Traffic Citation Ticket  (TCT) at isa naman ang  Temporary Operators Permit (TOP) sa isinagawang Oplan Sita at Anti Carnapping Operation ng PNP Highway Patrol Group sa bayan ng Talisay kahapon.

Sa bayan naman ng Daet ay aabot sa  60 TCT ang inisyu sa kaparehong operasyon katuwang ang Local PNP at traffic enforcers.

Maliban sa pagsasagawa ng mga operasyon sa kalsada ay nag iikot din ang mga tauhan ng HPG sa mga terminal upang ipaalala ang pagsunod sa minimum health standards ngayong nanatili pa rin ang banta ng COVID- 19.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Kapansin- pansin kasi na ipinagwawalang bahala na ng iba  ang pagsunod sa health protocols sa harap ng bumababang kaso ng nakahahawang sakit.

Kasabay na rin nito ang malawakang information drive patungkol sa Anti-Distracted Driving Act

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ito ay para maging aware ang mga driver lalo na sa public transportation sa mga probisyon ng nabanggit na batas.

Sa ilalim ng Anti-Distracted Driving Act mahigpit na ipinagbabawal ang pagamit ng cellphone at iba pang other electronics devices habang nagmamaneho.

Ayon sa HPG hindi lang sila nakatutok sa enforcement kundi mayroon engagement advocacy sa kanilang force multipliers.

(Photos: HPG)