OWWA-Bicol, may paalala sa mga bicolanong nais mag trabaho abroad

BNFM BICOL— Inihayag ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA-Bicol na mahalagang mag-ingat ang mga Bicolanong nagnanais na mag trabaho abroad at magpunta sa ibang bansa.

Ayon kay OWWA Bicol OIC Jenevie Aguallo, kabilang sa mga hakbang na dapat gawin ng mga ito ang pag siguro na lehitimo ang employer, agency o recruiter na kausap; pag beripika sa OWWA o POEA tungkol sa background ng mga ito kung sakaling nagkaroon ng mga paglabag; pag attend ng orientation at training upang malaman kung ano ang trabahong papasukan at marami pang iba.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang mga nasabing alintuntunin ay ilan lamang umano sa mga dapat gawin ng mga nagnanais maging OFW, upang maiwasang mabiktima ng scam at pang-aabuso.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa huli, ipinaalala ng OWWA na palaging bukas ang kanilang tanggapan para sa mga nagnanais na humingi ng tulong partikular ang mga OFWs na nakakaranas ng pang-aabuso sa ibang bansa at gusto nang makauwi ng Pilipinas.###