Party list, hiling sa DOT na suportahan ang Bulkang Mayon lalo na ngayong nag-aalburoto ito

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Ako Bicol Party list Representative Elizaldy Co, na dapat ipakita o ipagmalaki sa buong Pilipinas ang Bulkan Mayon dahil ito ay kakaiba ito at nag-iisang bulkan sa bansa na may lava flow kumpara sa iba pang mga bulkan.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ayon sa kongresista, hihilingin nito kay DOT Sec. Christina Frasco na sana’y suportahan ang promotion sa nasabing bulkan lalo na ngayon panahon na nag-aalburoto ito dahil sa atraksiyon nito sa mga lokal at dayuhang turista, lalo na tuwing may lava flow o fountaining ang bulkan sa gabi.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Dagdag pa nito, nawa’y bumisita rin sa lalawigan ang mga kinatawan ng nasabing ahensya upang masilayan nito ang ganda ng nasabing bulkan sa ganitong kondisyon.

Sinabi pa ni Co, irerekomenda nito na magsagawa ang ahensya ng special promotion sa bulkan ngayong panahon.