Pagde-deworm sa mga bata sa Bicol region sa unang round, nasa 45% lamang – DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Departrment of Health (DOH) Bicol na bumaba sa unang round ang paged-deworm ng mga bata sa buong rehiyon.

Ayon kay Dr. Mildred Tianes, Medical Officer III ng Infectious Disease Cluster ng nasabing tanggapan, sa unang round na isinagawang pagdeworm sa mga bata sa buwan ng Enero ay nakakuha lamang ito ng 45.11%.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya, mababa ang kanilang nakuhang turnouts partikular sa mga batang may edad 1-19 taong gulang dahil nagsimula na ang devolution sa mga ahensya ng gobyerno nito lamang Enero.

Dati umano, ang DOH ang bumibili ng gamot sa pagpupurga at direkta na itong ibinababa sa municipal health centers ng LGU ngunit sa ngayon ay nagkaroon ng pagbabago na kung saan ang LGU na ang bibili ng gamot sa pagpurga.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Dahil dito, may mga LGUs na hindi agad nakapagbili ng gamot na gagamitin sa pagpupurga ng mga bata kung kaya’t bumaba ang accomplishment rate nito.

Umaasa si Tianes na sa ikalawang round nito ngayong buwan ng Hulyo ay makuha nila ang target na 85% sa buong rehiyon.