LEGAZPI CITY – Umabot na sa halos 17,000 ang bilang ng mga apektadong mag-aaral sa lalawigan ng Albay dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ito ang kinumpirma ni Alvin Cruz ng Department of Education (DEPED) Albay sa Brigada News FM Legazpi.
Ayon kay Cruz, ang mga mag-aaral na ito ay mula sa 15 paaralan na ginagamit bilang evacuation centers.
Aniya, wala silang magagawa kung hanggang sa ngayon ay mananatili pa ang ilang mga pamilya sa loob ng mga eskwelahan hanggang sa matapos ang pag-aalburoto ng bulkan kahit pa lumampas na sa maximum na 15 araw ang pamamahagi nila rito alinsunod sa RA 10821.
Kahit pa mayroong evacuation facilities ang bawat LGU sa lalawigan, hindi pa rin ito sapat kaya’t hindi rin maiwasang gamitin ang ilang mga paaaralan.
Subalit, sa isyung ito, humihingi na sila ng tulong sa Department of Interior and Local Government (DILG) para sa mga ilan pang hakbang na gagawin.