Nais ng Partido Federal ng Pilipinas ni Presidential aspirant Bongbong Marcos Jr. na maimbestigahan si Comelec Commissioner Rowena Guanzon at maparusahan ng disbarment at forfeiture ng retirement benefits dahil sa “illegal” na pag-leak ng kanyang unpromulgated opinion sa disqualification case ng dating senador.
Sa isang statement sinabi ni Atty. George Briones, General Counsel ng Partido Federal na ‘fake news’ ang pahayag ni Guanzon na nagsumite na ito ng kanyang ‘ponencia’ at bomoto pabor sa disqualification ni Marcos Jr.

Ayon kay Briones wala pang promulgasyon na inilalabas ang Comelec 1st Division kaya ang pahayag ni Guanzon ay hindi totoo.
Binigyan diin din ni Briones ang paglabag ng Comelec commissioner sa code of judicial conduct kung saan pinagbabawalan ang mga judge na magbigay ng komento sa publiko sa anumang impending or pending case.
Naniniwala ang kampo ni Marcos na ang ginawa ni Guanzon ay ‘breach of duty’ na katumbas ng ‘breach of public trust’ para lamang sa pagsilbihan ang pansariling interes at suporta sa kandidatura ni Vice-President Leni Robredo.