Consumer group kinondena ang pagtaasan sa presyo ng pangunahing bilihin

Kinondena ni Laban Consumer Inc., President Atty. Vic Dimagiba ang pagtaasan ng mga pangunahing bilihin ngayon sa merkado.

Ayon kay Dimagiba kabilang sa mga namonitor nilang produkto na may pagtaas ng presyo ay ang mantika, asukal, sardinas, tinapay. at iba’t-ibang uri ng delata o canned goods.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Dismayado naman si Dimagiba dahil tila hinahayaan lamang umano ng gobyerno na magtaasan ang mga presyo ng mga bilihin sa gitna ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Inihayag din ng Laban Consumer President na ilan sa mga produkto ay nagtaas na ng SRP noong Agosto 2021 kung kaya’t ikinagulat ng grupo na nag-umento na naman ito ngayon.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Samantala duda naman si Dimagiba na pagtaas sa presyo ng asukal dahil wala namang sinabing kakalungan ng suplay nito ang Sugar Regulatory Administration.