Paolo at LJ, hindi pa rin nagkakausap mula noong kanilang hiwalayan

Ibinunyag ng aktres na si LJ Reyes na hindi pa siya kinakausap ng dati niyang partner na si Paolo Contis mula nang maisapubliko ang kanilang hiwalayan noong Agosto.

Sa panayam ni King of Talk Boy Abunda kay LJ sa New York ay sinabi ng aktres na wala pa itong nakikita na kahit anong effort mula sa panig ni Contis na makipag-usap matapos ang kanilang hiwalayan sa Pilipinas.

Aminado si LJ na sa kabila ng kaniyang pagpunta sa Estados Unidos, ay mahirap pa rin sa kaniya na mag-move on mula sa kaniyang nakaraan.

Sinabi ni LJ na halos minu-minuto ay napapadasal na lamang siya sa Diyos.

Natanong naman kay LJ kung handa na ba ito magpatawad.

Ipinunto ni Reyes na umaasa siya na darating ang araw na mapapatawad niya si Contis upang makapag-move on na ito kasama ang mga bata nang maayos.

Matatandaan na mayroong 2-taong gulang na anak na babae sina Reyes at Contis, na bunga ng kanilang anim na taong relasyon.