Inanunsyo ng Estados Unidos na maglalabas ito ng pasaporte na may “X” gender sa kauna-unahang beses, na nakikitang malaking hakbang para sa mga tao na nasa labas ng binary male o female categories.
Sinabi ng State Department na magiging routinely available ang “X” gender pagsapit ng 2022, para sa passports at birth certificates ng mga Amerikano sa abroad.
Iginiit ni State Department spokesman Ned Price na kabilang ito sa commitment nila na isulong ang kalayaan, dignidad, at pagkapantay-pantay ng lahat ng tao, kabilang na ang LGBTQI+ persons.
Sa ilalim ni Secretary of State Antony Blinken, ay pinayapayagan rin ng State Department ang US passport holders na pumili ng gender na nais nilang mailagay sa kanilang mga pasaporte.
Dati, ay required ang mga Amerikano na kumuha ng medical certification kung nais ng mga ito na pumili ng gender na nakalagay sa kanilang pasaporte na iba mula sa nakasaad sa birth certificates at iba pang mga dokumento nito.
