PAOCC, nilinaw na walang halong pulitika ang pag-ban sa POGO sa bansa

Nilinaw ni Presidential Anti-Organized Crime Commission Usec. Gilbert Cruz na walang kinalaman ang pulitika sa pag-ban sa lahat ng POGO sa bansa.

Read More:  PNP renews call for Bato to surrender as deadline ends

Ayon kay Cruz, nakikita ngayon na may hindi magandang naidudulot ang POGO sa seguridad ng bansa.

Naniniwala din ang PAOCC na naging daan  ang pag-expose sa mga ilegal na aktibidad ng POGO sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuluyan ng itigil at ipagbawal ang POGO.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Mababatid na inanunsyo ni Pangulong Marcos sa kanyang State of the Nation Address na ipagbawal na ang POGO sa Pilipinas.