PAOCC – naniniwalang konektado at pinagtatakpan ni Guo ang nahuling ‘POGO godfather’

Posibleng ang sinasabing ‘Big Boss’ ‘o ‘godfather’ ng POGO na nahuli sa subdivision sa Laguna ang taong iniiwasang mabanggit ng nasibak na alkalde na si Alice Guo sa mga pagdinig.

Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Usec. Gilbert Cruz, maaaring ang taong ito ang ayaw banggitin ni Guo dahil naririto ito sa bansa.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Ang tanging naisasagot umano kasi nito sa hearing ay mga pangalan ng tao na wala, o nakaalis na ng bansa.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Sa huli, naniniwala si Cruz na ang hindi pagbanggit ng dating alkalde sa umano’y ‘Big Boss’ ng POGO ay posibleng dahil sa takot o dahil pinagtatakpan lang din niya ito.