Tuluyan nang ipina-cite-in-contempt ng Quad Committee sa Kamara ang maybahay ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na si Mylah Roque.
Sa mosyon ni House Committee on Public Accounts Chairman Stephen Paduano, pinatawan ng contempt order si Mrs. Roque matapos na hindi sumipot sa ikawalong pagdinig ng Quad Comm.
Inaprubahan ito ng komite kaya nakatakdang mag-isyu ng arrest order laban kay Roque.
Mababatid na pinalilinaw sa misis ni Atty. Roque ang naging papel umano nito sa lease agreement sa Chinese nationals na sangkot sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.